virtual reality (vír•tu•wál re•yá•li•tí) : hulagway o kaligirang likha ng computer software, maaaring makipag-ugnayan nang realistiko ang gumagamit nitó sa pamamagitan ng paggamit ng helmet na may iskrin at guwantes na may sensor
virtual (vír•twal) 1: nása kapangyarihan, puwersa, o epekto bagaman hindi aktuwal o hayagan 2: hinggil sa mga punto na pinagtatagpuan ng mga ray kapag nilikha nang pabalik 3: walang pisikal na pag-iral ngunit may anyong makatotohanan
virtual memory (vír•twal mé•mo•rí) : memorya na awtomatikong naililipat ang kailangang datos mula sa isang pangalawang imbakan